NGCP, hindi maipapangako na walang power outage ngayong tag-init

NGCP, hindi maipapangako na walang power outage ngayong tag-init

HINDI matitiyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na walang magaganap na mga power outage ngayong tag-init.

Sa paliwanag ng NGCP, batay sa mga nangyari noong nakaraang taon, may ilang beses na nagkaroon ng hindi inaasahang shutdown ang ilang planta at nagiging sanhi ito sa pagkakaroon ng yellow o red alert sa grid.

Ang yellow alert ay nangangahulugan ng kakulangan sa reserbang kuryente na higit sa 600 megawatts.

Habang ang red alert ay nangangahulugan na mas kaunti nalang lang ang natitirang reserba kaya hindi maiiwasan ang manual load dropping o pagkawala ng kuryente.

Matatandaang nauna nang nagpahayag ang Department of Energy na wala anilang inaasahang yellow o red alert sa susunod na mga buwan dahil mayroong higit 4 thousand megawatts ng panibagong generation ngayong tag-init.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble