NGCP, nakaalerto sa pag-alboroto ng Bulkang Mayon

NGCP, nakaalerto sa pag-alboroto ng Bulkang Mayon

NAKAALERTO na ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kanilang transmission lines kasunod ng pag-alboroto ng Bulkang Mayon.

Naka full-alert ang mga pangunahing ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Office of the Civil Defense (OCD) dahil sa mga aktibidad ng Bulyang Mayon.

Nakataas sa kasalukuyan sa Alert Level 3 ang status ng bulkan dahil sa inilalabas nitong lava at sulfuric gas.

Isa rin sa nagbabantay sa aktibidad ng bulkan ay ang NGCP.

Posible rin na maaapektuhan ang kanilang transmission lines lalo na kung magkakaroon ng ashfall o lahar.

“On alert kami for Mayon, we already have our communications thread and then we are monitoring pati weather kasi the lahar is an issue. Minsan madaling araw may nagtatanong, umuulan ba diyan?’ Kasi dito malakas ang ulan sa Manila. We have to make sure that we are, we try to keep it open pero the minute it becomes too dangerous, we have to set in place already our contingencies. Continues monitoring 24/7 iyan,” ayon kay Atty. Cynthia Alabanza, Spox, NGCP.

Pero sa kabila nito, tiniyak ng NGCP na nananatiling normal ang kanilang operasyon.

Pero maari silang magsagawa ng preemptive shutdown kung kakailanganin itong gawin.

Sa kabila nito, sisikapin nila na kakaunti ang maapektuhan ng disruption.

“Right now to be clear, normal ang operation in the Bicol area and the other two areas ng volcano na may activity. So, walang preemptive shutdown. We try to keep the transmission going so we will try to localize it as much as we can, pero right now, know on wood na huwag naman umabot sa ganun, hindi pa natin masabi, kumbaga speculative pa at this point kasi hindi pa natin alam kung ano ‘yung cause of the disturbance whether it’s going to be lahar, or the ash fall. Kasi even ash fall is affected by wind, so depende pa kung saan iihip ang hangin, kung aling facilities ang affected, but as much as possible we will try to isolate it to the smallest possible impact, pero hindi pa natin masabi iyan ngayon, at this point,” dagdag ni Atty. Alabanza.

Ayon sa NGCP, wala naman silang malapit na pasilidad sa danger zone.

Pero dahil nga maaring makaapekto ang abo sa transmission lines ay nakamonitor dito ang NGCP.

Matatandaan na noong nag-alboroto ang Bulkang Taal noong 2020 at nagbuga ng apoy ay kinailangang linisin ng NGCP ang kanilang mga transmission lines.

Kasunod nito ay ang pansamantalang pagkawala ng kuryente sa lugar at mga karatig na lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter