PINAGMUMULTA ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng halagang P12.3M.
Dahil ito sa kabiguan nila na maisakatuparan ang nasa 27 transmission infrastructure projects sa bansa.
Nakukumpromiso na rin nito ang quality, reliability, security at affordability ng electric power supply na ipinangako ng NGCP.
Binigyan lang ng 15 araw ang NGCP para tanggapin ang desisyon.
Nilinaw pa ng ERC na kahit maghain ng mosyon ang NGCP ay hindi nito mapipigilan ang maipatupad ang hinihinging multa.