NHA at PAO, mas inilapit pa ang serbisyo sa Pilipino

NHA at PAO, mas inilapit pa ang serbisyo sa Pilipino

NAGSANIB-puwersa ang National Housing Authority (NHA) at Public Attorney’s Office (PAO) para sa pagbibigay-serbisyo sa mga Pilipino na benepisyaryo ng pabahay program ng pamahalaan.

Ang nasabing serbisyo ay ang libreng konsultasyon sa usapin ng batas sa ilalim ng People’s Caravan ng NHA.

Ang People’s Caravan ay ang pinakabagong inisyatibo ng ahensiya upang tuluyang mapalapit sa mga benepisyaryo ang mga serbisyo ng gobyerno.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay mapapabilis at mailalapit pa ang nararapat na serbisyo sa mga Pilipino.

Pinangako naman ng PAO sa NHA ang suporta sa pamamagitan ng pagbisita sa mga residente sa loob ng housing project ng gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter