ININSPEKSYON at binisita ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang housing project sa Zamboanga City.
Ito ay upang matiyak ang kalidad ng mga pabahay mula sa National Housing Authority (NHA).
At para maisakatuparan din ang Building Better and More (BBM) housing.
Ang Cabaluay Place ay isang proyekto ng NHA sa ilalim ng Government Employees Housing Program para sa mga kapwa kawani ng gobyerno.