NHA, namahagi ng pabahay sa mga dating CTG sa Isabela

NHA, namahagi ng pabahay sa mga dating CTG sa Isabela

PINAGKALOOBAN ng National Housing Authority (NHA) ng housing unit ang mga dating myembro ng New People’s Army (NPA) sa San Mariano, Isabela.

Higit 40 kabahayan ang ipinamahagi ng ahensya sa mga pamilya ng mga nagbalik loob sa gobyerno.

Ang naturang housing units ay may floor area na 28.4 square meters at lot area na 70 square meters.

Ang nasabing proyekto ay bahagi ng Peace-Building Program ng ahensya na layong makapaghandog ng tahanan at pag-asa sa mga rebeldeng kusang nagbalik-loob sa pamahalaan.

At para mahikayat pa ang ibang miyembro ng CPP-NPA-NDF at mga katulad na talikuran na ang kilusan.

Sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno upang maisakatuparan ang mga layunin ng NHA sa ilalim ng Build Better and More (BBM) Housing Program.

“The NHA will continue to collaborate with various government agencies and above all, with local government units, so that we can continue to deliver our mandate to the Filipino people,” ani Joeben Tai, General Manager, NHA.

Pagtitiyak pa ni GM Tai na ang NHA ang magiging katuwang ng mga Pilipino lalo na sa kanilang hangaring magkaroon ng sariling tahanan.

“Let’s keep in mind that the NHA is an instrument that guides Filipino families to fulfill their dreams of having a new house and a new life,” dagdag ni Tai.

Matatandaang, noong 2021 ang NHA ay nauna nang namahagi ng P1.6 milyong tulong-pabahay sa mga dating miyembro ng NPA mula sa mga bayan ng Antequera, Calape, Catigban, Guindulman, Loon, at Sevilla sa Bohol.

Follow SMNI NEWS in Twitter