NAMAHAGI ng cash assistance ang National Housing Authority (NHA) sa mga apektadong residente na nasunugan kamakailan sa Caloocan City.
Aabot sa 39 na pamilya sa Caloocan ang nasunugan, kung kayat naglaan ng P1.1 milyon ang NHA bilang cash assistance.
Ito ay sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP), kung saan tinatayang nasa P10,000 hanggang P30,000 ang maaring matanggap ng bawat pamilya.
Ang naturang EHAP ay isa sa mga programa ng ahensya na nagbibigay ng cash assistance para sa mga kwalipikadong low and marginal-income families na apektado ng iba’t ibang kalamidad.