PLANONG baguhin ng National Irrigation Administration (NIA) ang cropping calendar.
Ito ang kanilang nakikitang solusyon para mabawasan na ang epekto ng mga bagyo sa sektor ng agrikultura.
Sa kanilang plano, ang dry cropping calendar ay isasagawa mula Oktubre hanggang Hulyo kung saan sa Pebrero at Hulyo ang harvest season.
Ang kasalukuyang cropping season ay mula Hunyo hanggang Marso kung saan ang harvest season ay sa Nobyembre at Marso o Abril.