Nick Young, sinabing kailangang manalo ng ilang championships matapos na bumisita ng Pilipinas

Nick Young, sinabing kailangang manalo ng ilang championships matapos na bumisita ng Pilipinas

SINABI ng former NBA champion na si Nick Young na umaasa itong muling madagdagan ang kanyang championship title matapos ang pagbisita nito sa Pilipinas.

Si Young ang isa sa 3 imports para sa Strong Group Realty na siyang mangunguna para sa Pilipinas sa idadaos na Dubai International Basketball Tournament at determinado rin itong mapanalunan ang titulo hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa buong Filipino community.

Matatandaan na noong December 2022 nang nagpahiwatig si Young na nais nitong maglaro sa PBA na agad namang nag-viral sa Pinoy basketball fans.

Matapos nito ay dito na nagkausap si Young at head coach ng Strong Group na si Charles Tiu. Nick Young

Makakasama ni Young ang iba pang collegiate standouts sa bansa gaya nila Angelo Kouame, Jerom Lastimosa, Justine Baltazar at Will Gozum maging ang iba pang imports na sila Renaldo Balkman at Shabazz Muhammad.

Follow SMNI NEWS in Twitter