Nieljay Matunding, bumisita kay VP Sara upang makakalap ng suporta para sa Anti-Elderly Abuse Act

Nieljay Matunding, bumisita kay VP Sara upang makakalap ng suporta para sa Anti-Elderly Abuse Act

MASAYANG nakapanayam ni Vice President Sara Duterte si Nieljay Matunding, isang 22 taong binata na naglibot sa iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas upang maitaguyod ang kaniyang adbokasiya na maipagtanggol ang mga senior citizen laban sa pang-aabuso.

Layunin ni Nieljay na makakalap ng suporta upang maisabatas ng House Bill No. 4696, o kilala bilang Anti-Elderly Abuse Act.

Ani VP Sara na dama nito ang saloobin ni Nieljay habang sya ay nagkukuwento tungkol sa kaniyang lola na siyang nagtaguyod at nag-aruga sa kaniya mula pa sa kaniyang pagkabata.

“Hinihikayat ko ang bawat isa sa atin na mahalin at alagaan ang ating mga nakatatandang mga kaanak,” ayon kay VP Sara Duterte.

Aniya pagsilbihan natin at pagkalooban ng sapat na paggalang ang ating mga nakatatanda sapagkat sila ay may mas mahaba na karanasan at malalim na pag-unawa at kaalaman na maaaring magbigay sa atin ng mga aral at gabay sa buhay.

“Ang paggalang sa mga nakatatanda ay nakaugat na rin sa ating kultura bilang mga Pilipino,” dagdag ni VP Sara.

“Kaisa ako ni Neiljay sa kaniyang adbokasiya at sana ay magsilbing inspirasyon ang kanyang mga ginagawa sa mga kabataang tulad niya,” ayon pa sa Bise Presidente.

Follow SMNI NEWS on Twitter