PALALAKASIN pa ng Nigeria at India ang kanilang ugnayan sa larangan ng maritime security at counter terrorism.
Batay ito sa napagkasunduan nina Indian Prime Minister Narendra Modi at Nigerian President Bola Tinubu sa isang meeting noong Linggo, Nobyembre 17, 2024.
Kasama na rin sa kanilang palalakasin ang sektor ng teknolohiya, kalakalan at enerhiya.
Makikita na ang India ang isa sa pinakamalaking trading partner ng Nigeria.
Sa datos, tinatayang nasa 14.9 billion dollars ang kabuuang resulta ng bilateral trade ng dalawang bansa noong taong 2022.