Nikki de Moura ng Cagayan de Oro, kinoronahan bilang Miss Grand PH 2023

Nikki de Moura ng Cagayan de Oro, kinoronahan bilang Miss Grand PH 2023

KINORONAHAN bilang Miss Grand Philippines 2023 ang Cagayan de Oro candidate na si Nikki de Moura.

Ito ay matapos talunin ni Nikki ang 39 candidates mula sa iba’t ibang probinsiya at munisipalidad sa bansa.

Ginanap ang nasabing Miss Grand Philippines 2023 Grand Coronation kagabi, Hulyo 13 sa Mall of Asia Arena Pasay, City.

Kabilang sa mga nakalaban ni Nikki sa nasabing pageant ay ang mga veteran beauty queen na sila BB Pilipinas 2022 1st Runner-Up Herlene Budol, Miss Environment Philippines 2021 Michelle Arcea at si Miss Elite Philippines 2022 Shanon Tampon.

Samantala, nakatanggap din ng titulo sina Shanon Tampon ng Caloocan bilang Miss Grand First Runner-Up, Charie Manalo Sergio ng Antique bilang Miss Grand 2nd Runner-Up, Francine Reyes ng Tarlac bilang Miss Eco Teen Philippines, Herlene Nicole Budol ng Angono Rizal bilang Miss Tourism Philippines at si Michelle Arcea ng Quezon City bilang Miss Reina Hispano America Filipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter