Nina Ytang at 2 iba pa mananatili muna sa UP para sa UAAP Season 88

Nina Ytang at 2 iba pa mananatili muna sa UP para sa UAAP Season 88

MAGLALARO pa rin ng volleyball para sa University of the Philippines sina Joan Monares, Nina Ytang, at Irah Jaboneta.

Ibig sabihin, hindi na muna sila kasali sa 2025 Rookie Draft para sa Premier Volleyball League (PVL).

Ayon sa tatlo, nais nilang maiangat muna ang UP sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 88.

Sa ngayon ay si Nica Celis pa lang ang nagkumpirma na sasali sa draft ng PVL.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble