MASUSI nang iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga naging pahayag ni Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senado kamakailan.
Tugon ito sa pahayag si Sen. Risa Hontiveros na posibleng sangkot sa surveillance at hacking incidents sa mga website ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang kompanyang Zun Yuan Technology Inc.
Ang Zun Yuan Inc. ay isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nakabase sa Baofu Compound sa Bamban, Tarlac na sinalakay ng mga awtoridad noong isang buwan dahil sa pagkakasangkot nito sa malawakang scamming.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, kung totoo man ang impormasyon ay umaasa sila na makakuha ng karagdagang impormasyon mula sa tanggapan ni Hontiveros.
Gayunman, sinabi ni Fajardo na mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at sa iba pang ahensiya para berepikahin ang naging pahayag ng senadora.
Sa ngayon wala pa naman silang nakikitang seryosong banta sa seguridad ang nasabing POGO hub.