NKTI, hindi na muna tatanggap ng COVID-19 patients

NKTI, hindi na muna tatanggap ng COVID-19 patients

BONUS OFFER

 

INANUNSIYO ng pamunuan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na umabot na sa full capacity ang kanilang allocated beds para sa mga COVID-19 patients.

 

Ayon sa pamunuan ng NKTI, puno na ang COVID-19 zones ng ospital kasama ang regular wards, critical care units at emergency room at maging ang nasa labas ng kanilang gusali.

 

Sa kabila ng dami ng COVID-19 patients sa ospital, tiniyak ng NKTI ang kaligtasan ng mga naka-admit na non-COVID patients partikular na ang mga pasyenteng sumasailalim sa gamutan o transplant at maging para sa mga nagpapagaling sa naturang ospital.

 

Ilang ospital sa Metro Manila napuno na ng COVID-19 patients ang mga ward

 

Bukod sa NKTI, opisyal ding nagpaabot ng kanilang pahayag ang Makati Medical Center, at dalawang ospital ng St. Lukes na umabot na rin sila sa full bed capacity para sa COVID-19 patients.

 

Sa isang virtual press briefing kahapon, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega na patuloy ang pagtaas ng critical care bed occupancy.

 

Batay sa kanilang datos, umabot na sa 43.7 percent, o katumbas ng 573 ng ICU beds ang naokupahan na mula sa 1,349 ICU beds for COVID-19 patients sa buong bansa.

 

Ayon sa DOH, pinag-aaralan na nito ang pagtatatag ng one hospital command na titingin sa lahat ng mga pasyenteng lubhang tinamaan ng sakit na COVID-19 na mai-refer agad ito sa mga bakanteng mga pasilidad.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.