No.1 most wanted ng Quezon City, arestado sa ikinasang operasyon

ARESTADO ang isang lalaki na tinaguriang most wanted ng Quezon City sa isinagawang manhunt operation ng kapulisan.

Kinilala ang suspek na si Regel Saga, 38-anyos, isang warehouse keeper sa Caloocan City.

Naaresto si Saga sa bisa ng warrant of arrest na inanunsyo noong Setyembre 16, 2020 sa Regional Trial Court ng Quezon City na walang nirekomendang piyansa.

Ayon naman kay PMGen. Vicente D. Danao Jr., hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na 24/7 na nag hu-hunt sa pangunguna ng NCRPO’S Tracker team upang maaresto ang mga pinaghahanap na mga wanted.

“Team NCRPO’s Tracker Teams are beefing up their efforts in hunting down persons with standing warrant of arrest 24/7. The recent accomplishment is an overwhelming outcome of our team’s campaign against most wanted persons,” pahayag ni Danao.

Pinuri naman ni PMGen. Vicente D. Danao Jr. ang warrant and subpoena (WSS) ng Quezon City Police District sa pangunguna ni PBGen. Antonio C. Yarra, na District Director ng QCPD.

Pinuri rin  ang pagsisikap ang isinagawang ng tauhan ng PNP at sinabing kailanman ay hindi sila makakatago mula sa PNP.

“I commend the effort exerted by our personnel in this accomplishment. This should send a clear message to criminals in hiding: you can run but you can never hide from the PNP,” ayon kay Yarra.

Sa kabila ng pandemya, patuloy ang iba’t ibang operasyon na ginagawa ng ating kapulisan sa pagsawata sa problema ng kriminalidad sa bansa.

Kasama rin sa araw-araw na binabantayan ng mga otoridad ang problema sa iligal na droga kung saan bilyun-bilyong pisong halaga ng iligal na droga ang kinukumpiska ng mga awtoridad sa pinaigting pa na ugnayan ng komunidad at PNP sa iba’t ibang panig ng bansa.

(BASAHIN: Kaso ng nasawing vaccinee sa Caloocan City, itinuturing na isolated case)

SMNI NEWS