No. 1 most wanted person arestado ng QCPD

No. 1 most wanted person arestado ng QCPD

ARESTADO ang No. 1 District Level Most Wanted Person ng Quezon City Police District (QCPD) ng pinagsanib na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).

Ito ay sa ilalim ni PMaj. Don Don Llapitan at ni District Women and Children Concern Section (DWCCS) sa pangunguna ni PMaj. Rene Balmaceda sa Quezon City.

Kinilala ang akusado na si John Carlo Lupit, 19 ng Brgy. Bukid, Quezon City.

Siya ay inaresto sa kaniyang tirahan dahil sa pagkakaroon ng nakabinbing warrant of arrest para sa panggagahasa na inisyu ng Branch 94, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.

Ang hukuman ng pinanggalingan ng warrant ay dapat ipaalam tungkol sa kaniyang pagkahuli.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble