No. 1 most wanted sa Paete, Laguna, tiklo sa manhunt operation

No. 1 most wanted sa Paete, Laguna, tiklo sa manhunt operation

NALAMBAT ang itinuturing na no. 1 most wanted person sa Paete, Laguna matapos ang manhunt operation ng mga awtoridad.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, acting Provincial Director ng Laguna Police ang akusado na si alyas Renato, nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Ang akusado ay nahuli sa Brgy. Lumbang, Lipa City, Batangas sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa Siniloan, Laguna.

Matapos nito, agad na dinala ang akusado sa Paete Municipal Police Station.

Tiniyak naman ng Laguna Police na paiigtingin nila ang pagsasagawa ng operasyon laban sa mga nagtatago sa batas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter