No. 6 most wanted ng San Pablo City, Laguna, tiklo sa operasyon ng pulisya

No. 6 most wanted ng San Pablo City, Laguna, tiklo sa operasyon ng pulisya

NAHULI ang No. 6 most wanted person ng San Pablo City, Laguna matapos ang manhunt operation ng pulisya.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio Ison Jr., acting provincial director ng Laguna Police ang akusado na si Jervin Mendoza Sarzadilla, 27 taong gulang.

Sa ulat ng San Pablo City Police Station kay Ison, naaresto si Sarzadilla sa Barangay V-A, San Pablo City, Laguna.

Nahaharap ito sa kasong frustrated murder na isinampa noong Disyembre 18, 2020.

Pinuri naman ni Police Brigadier General Antonio Yarra, regional director ng PRO CALABARZON ang matagumpay na operasyon ng pulisya at tiniyak ang pagtugis sa mga patuloy na nagtatago sa batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter