‘No collection policy’ sa mga paaralan, ipinaalala muli ng DepEd

‘No collection policy’ sa mga paaralan, ipinaalala muli ng DepEd

IPINAALALA muli ng Department of Education (DepEd) ang kanilang ‘no collection policy’ bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na manatiling libre ang elementary at high school students.

Sa ilalim ng Republic Act No. 4206, ang mga lalabag sa naturang batas ay makukulong ng isang buwan o pagmumultahin depende sa desisyon ng korte.

Tanging exempted sa pagbabawal ang membership fees ng mga mag-aaral sa Red Cross o sa Boy at Girl Scouts of the Philippines.

Kasama rin sa exemption ang kontribusyon ng mga magulang at ibang donor para suportahan ang barrio high schools.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble