NAKI-isa ang Northern Luzon Command (NOLCOM) sa naganap na Tarlac Business Conference and Expo (BIZCONEX) 2023 kasabay ng pagdiriwang sa buwan ng National Small Medium Enterprises (SMEs).
Ang BIZCONEX 2023 Expo ay naglalayon na magbigay ng iba’t ibang oportunidad sa mga local SMEs sa Tarlac upang mas mapalawak pa ng mga ito ang kanilang network, makabuo ng koneksiyon sa iba pang negosyo at magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga trending ngayon sa industriya at best practices.
“We recognized that the support of the industry sector is crucial for the development of our country. It is also a fact, if not all of us started small, with baby steps trying to master so many aspects of our business operation,” ayon kay Aileen Uy Chan, 1st Megasaver President and CEO.
Nakipag-isa rin ang probinsiya ng Tarlac sa SMEs Development Council at sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) upang pangunahan ang nasabing aktibidad.
Ginanap ang Tarlac BIZCONEX 2023 sa Diwa ng Tarlac Kanlahi Hall sa Tarlac City sa loob ng dalawang araw.
Ang partisipasyon naman ng NOLCOM sa Tarlac BIZCONEX 2023 ay isang makabuluhang dimensiyon para sa nasabing kaganapan lalo na ang recruitment booth ng NOLCOM ay nagbibigay ng komprehensibong impormasyon ukol sa malawak na oportunidad na mayroon ang army, navy at air force.
Personal namang pinangunahan ni LtGen. Fernyl Buca, commander ng Northern Luzon Command ang huling araw ng expo bilang simbolo ng pagsuporta ng command sa seguridad at kaunlaran ng ekonomiya ng lalawigan ng Tarlac.
“This is a good opportunity for the Armed Forces of the Philippines (AFP) to have a good relationship with Tarlac’s business line. I know that the business sector in Tarlac has a different perspective on peace and development and the AFP, has also a different perspective on peace and security. Maybe if we have a collaboration with the PCCI like Tarlac and NOLCOM, we can bring to high rise our region,” ayon kay Lt. Gen. Fernyl Buca, commander ng NOLCOM.
Binigyang-diin ni Buca, ang kanilang pangako na panatilihin ang malapit na relasyon sa isa’t isa at umaasa sa patuloy na partnership at marami pang pagkakataon upang magkaroon ng kolaborasyon upang mas mapalakas pa ang seguridad ng rehiyon.
Ang aktibong partnership na ito ng NOLCOM sa business community ay nagpapakita ng pangako nito sa kapayapaan, seguridad, at kaunlaran habang bumubuo ng pagkakaisa, kooperasyon at progreso sa buong Hilaga at Gitnang Luzon.