NolCom, tuloy ang military operations kasabay ng ika-55 anibersaryo ng CTGs

NolCom, tuloy ang military operations kasabay ng ika-55 anibersaryo ng CTGs

IGINIIT ng liderato ng Philippine Army North Luzon Command (NolCom) na walang ceasefire ang laban sa mga miyembro ng CPP-NPA sa Hilagang Luzon.

Kinumpirma mismo ito ni NolCom commander LtGen. Fernyl Buca sa kabila aniya ng anunsiyo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na magkaroon ng ceasefire o tigil-putukan kasabay ng kanilang pagdiriwang ng pagkakatatag ng kilusan sa bansa.

Giit ni Buca, tuloy ang pagsugpo sa mga kalaban ng estado na nais guluhin ang kapayapaan at seguridad ng bansa.

Kaya naman tuloy ang kanilang traditional and non-traditional military operations.

Nauna nang pinaniniwalaan ng mga militar na ang nasabing ceasefire ay hindi totohanin ng CPP-NPA at magsilbi lamang ito na paraan para magpalakas kaya’t hindi nila ito hahayaan na makaapekto sa hangad na kapayapaan sa Hilagang Luzon at sa buong bansa.

Nauna nang kinilala ni Buca ang sakripisyo ng mga sundalo na malayo sa pamilya lalo ngayong Kapaskuhan para lamang tuparin ang kanilang tungkulin na maging ligtas ang mamamayan sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter