Norberto Gonzales, may nasisilip na pag-asa sa kaniyang kandidatura dahil sa SMNI

Norberto Gonzales, may nasisilip na pag-asa sa kaniyang kandidatura dahil sa SMNI

NAKASILIP ng pag-asa si presidential candidate Norberto Gonzales para sa kaniyang kandidatura dahil sa pagsali niya sa SMNI Debates at sa The Deep Probe, The SMNI Presidential Candidates’ Interview.

Isa sa mga tumatakbo sa pagkapangulo para sa May 9 Elections ay si dating Defense Chief Norberto Gonzales.

Pero pagdating sa mga nagsilabasang survey ay nangungulelat ito.

Pero naniniwala ang presidential aspirant na may pag-asa pa para sa kaniyang kandidatura dahil sa SMNI.

 

 

Matatandaan na isa si Gonzales na masipag dumalo sa SMNI Debate at Presidential Candidates Interview ng istasyon.

“First, the essentials number 1, I want to thank SMNI, really. I was kulelat in the polls, but because of SMNI, there’s some hope for some Consuelo de bobo, nagva-viral ako because of SMNI. Number 2, very important, thank you especially to our panelists for raising very good questions. It guided me, it guided me in talking to our people,” pahayag ni Gonzales.

Ilan sa mga isinusulong ni Gonzales ay political reform, charter change o parliament system, mga bagay na gusto na aniya ng mga tao ngayon.

“I want to report to you that I have been visiting the simplest of our people, they appreciate, they appreciate charter change, they are now talking (about) the parliamentary system, autonomous region, you know. I said, what success do I need? Isa na lang ang sinasabi ko sa kanila, I excite them with all the programs, and towards the end I will tell them maliit lang, “Pag natalo ako, wala lahat ‘yan,” ani Gonzales.

Isa rin sa mga pangarap ni Gonzales para sa bansa ay ang maging first world country ang Pilipinas.

Pero ito ba ay posibleng mangyari, ayon kay Gonzales, maaari nating maabot ang naabot ng Singapore.

“Alam mo ba noong nagsimula si Li Kuan Yu na gawin nyang first world ‘yung Singapore, pati chewing gum pinagbabawal ni Li Kuan Yu kasi mga taga-Singapore ni hindi marunong magtapon ng chewing gum na tama eh. But in the span of twenty years they become first world. If you will compare the kind of people we have with the kind of Singaporeans that Li Kuan Yu had in Singapore, baka we can do it in ten years. Kaya importante lang dyan ‘yung nakakaintindi ‘yung nagpapatakbo ng bayan natin at saka importante din malinaw sa sambayanan where we’ll going. We’re going to be a first world,” ayon kay Gonzales.

Sinabi rin nito na ang unang hakbang na dapat tunguhin ng gobyerno para maging first world country ang Pilipinas ay ang pagkakaroon  ng magandang sistema sa edukasyon.

Ayon sa dating Defense chief dapat matanggal na ang pagkakahati-hati ng mayayaman at mahihirap pagdating sa edukasyon sa Pilipinas.

“Tanggalin natin ‘yung pagkakahati ng mayaman at mahirap. Mayaman ka, mahirap ka, pareho ang standard ng education mo at saka we will search for the best education that the world will offer. We will bring them here,” ani Gonzales.Si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary Chairman ng SMNI, ay naniniwala din gaya ni Gonzales na dapat ng baguhin ang political system ng bansa.

Si Pastor Apollo C. Quiboloy ay naniniwala rin gaya ni Gonzales na dapat nang baguhin ang political system ng bansa.

“Isa ‘yun sa dapat na mareporma kasi kung minsan ang ating constitution, may mga provisions dyan at mga batas na obsolete na dapat baguhin ang pamamaraan, ang sistema dapat baguhin. Kung minsan bakit hindi natin subukan ang federalism o kaya ang parliamentary system of government na kung saan kung hindi mapagkakatiwalaan ang isang namumuno madali nating ialis kontra hintayin pa natin ang anim na taon. Mabuti sana kung ang lahat ng mga nanunungkulan ay katulad ni President (Rodrigo) Duterte. Anim na taon parang is just a whish parang lumipas lang,” pahayag ni Pastor Apollo.

Sinabi rin ni Pastor Apollo na ang lahat ng kandidato na dumalo sa The Deep Probe noong Sabado tulad ni Gonzales, ay pwedeng maging Chief Executive ng bansa.

Follow SMNI News on Twitter