NAGPAPUTOK ng short-range ballistic missile ang Democratic People’s Republic of Korea sa silangang karagatan nito.
Sinabi ng Japan Coast Guard, humigit-kumulang 20 minuto matapos unang iulat ang paglulunsad na nahulog na ang missile kung saan bumagsak ito sa labas ng exclusive economic zone (EEZ) ng Japan.
Ayon kay Japan Parliamentary Vice Minister of Defense Shingo Miyake, ang ICBM missile ay may potensiyal na maglakbay ng higit sa 15,000 km o 9,300 na milya, ibig sabihin ay maaabot nito kahit saan sa Japan at sa Mainland United States.
Ginawa ng North Korea ang hakbang na ito matapos dumating ang USS nuclear-powered submarine ng USS Missouri sa South Korea, kung saan tinawag ito ng Pyongyang na ‘war’ moves ng Estados Unidos.
Dagdag pa dito na kung susubukan ng U.S. na tapusin ang taon sa pamamagitan ng pagpapakita ng nuclear war o anumang paggamit ng nuclear weapons ay haharapin at tutugunan ito ng North Korea.
Matatandaang, idinaos ng U.S. at South Korea ang kanilang ikalawang sesyon ng Nuclear Consultative Group sa Washington noong Biyernes, kung saan tinalakay nila ang nuclear deterrence kung sakaling magkaroon ng conflict sa Democratic People’s Republic of Korea.