IPINAG-UTOS ni North Korean Leader Kim Jong-Un ang pagpapatupad ng lockdown sa kanilang buong bansa.
Kasunod ito sa pagkumpirma ni Jong Un na may naitalang COVID-19 cases sa North Korea sa unang pagkakataon.
Bagamat hindi nito ibinahagi ang bilang nang nahawaan, batay sa samples, Omicron BA.2 variant ang nakapasok na uri ng COVID-19 sa kanila.
Pinangangambahan lang ng South Korea ngayon na posibleng magkakaproblema ang North sa pagsugpo ng hawaan dahil hindi tumatanggap ang mga ito ng COVID-19 vaccines.
Ibig sabihin, wala pang isa sa north ang naturukan ng bakuna.
Sa kabila nito, ipinangako ng North Korea na masugpo nila ang hawaan ng virus sa lalong madaling panahon.