NAGSAGAWA ang North Korea ng 5 araw na national conference sa mga officer ng bansa na in-charge sa security at counterintelligence affairs.
Ang 5th Conference of Security Officers na binuksan noon pang nakaraang Sabado ay naglalayong palaguin ang security organ ng Ruling Worker’s Party.
Ang conference na ito ay dinaluhan ng top officials kabilang na si Pak Jong Chon, secretary ng party’s central committee at Ri Chang Dae, Minister of State Security.
Si Kim ay nagpadala ng importanteng liham sa conference kung saan inadopt naman ng conference ang liham na ito dahil hindi personal na nakadalo si Kim.
Matatandaan na unang nagsagawa ng conference ng military security officers ang bansa taong 1993 at ang susunod na session ay sa 2013.
Hindi naman isinapubliko kung saan isinagawa ang ikatlo at ikaapat na sesyon nito.