NIYANIG ang Northern California nitong Huwebes, December 5, 2024 ng 7.0 magnitude na lindol.
Batay sa US Geological Survey, 10:44am kanluran ng Ferndale sa Humboldt County, 130 miles mula sa Oregon border ang niyanig.
Naramdaman naman ito hanggang South San Franciso na 270 miles ang layo mula sa Ferndale.
Dahil naman sa pagyanig, isang tsunami warning ang inilabas sa loob ng halos isang oras para sa tinatayang 5.3M katao sa West Coast ng Estados Unidos.