NAGWAGI ang Northport Batang Pier kontra Converge FiberXers sa iskor na 108-101 sa kanilang naging laban nitong Disyembre 12, 2024.
Nag-ambag ng 32 points para sa Northport si Kadeem Jack habang 30 points mula kay Joshua Munzon.
Sa sumunod na laban, panalo naman ang Blackwater Bossing kontra Meralco Bolts sa iskor na 114-98.
33 points ang ambag ni Sedrick Barefield para sa Blackwater at 32 points mula kay George King.
Samantala, sa nagpapatuloy na elimination round ng PBA Commissioner’s Cup 2024, mamayang alas singko ng hapon abangan ang magiging laban ng Terrafirma Dyip at San Miguel Beermen.
Susundan ito ng Brgy. Ginebra San Miguel at Phoenix Fuelmasters, alas syete y media ng gabi.
Sa kabilang banda, sa nagpapatuloy rin na preliminaries ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference, Galeries Tower Highrisers at Chery Tiggo Crossovers ang magtutuos alas kwatro ng hapon sa Sabado, Disyembre 14.
Susundan ito ng game sa pagitan ng Cignal HD Spikers at Petro Gazz Angels.