TINALO ng Northport Batang Pier ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa kanilang naging laban nitong Miyerkules, Disyembre 4, 2024.
Dikit ang naging laban ngunit 107-103 ang final score pabor sa Northport.
30 points at 11 rebounds ang naging ambag ni Kadeem Jack para sa Northport habang 27 points ang mula kay Arvin Tolentino.
Sa sumunod na laro ng nagpapatuloy na elimination round ng PBA Commissioner’s Cup 2024, panalo ang Rain or Shine Elasto Painters kontra Hong Kong-based basketball team na Eastern sa iskor na 99-81.
Si Deon Thompson ay may ambag na 21 points para sa Elasto Painters habang si Leonard Santillan ay may 18 points.
Tig-10 points naman sina Keith Datu at Caelan Tiongson.