NorthPort panalo ng 3-point lead kontra Magnolia

NorthPort panalo ng 3-point lead kontra Magnolia

INILABAN ng NorthPort Batang Pier ang kanilang dikit na laro kontra Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa iskor na 113-110.

Naging susi sa panalong ito ang 30 points ni Kadeem Jack; 25 points ni Arvin Tolentino; 15 points ni William Navarro; at tig-12 points mula kay Evan Nelle at Allyn Bulanadi.

Si Cade Flores ay may ambag din na 10 points para sa NorthPort.

Samantala, sa sumunod na game, panalo naman ang TNT Tropang Giga kontra Hong Kong-based team na Eastern sa iskor na 109-93. 31 points ang ambag ni Rondae Hollis-Jefferson para sa TNT; 18 points mula kay Rey Nambatac; 16 points mula kay Jayson Castro; Poy Erram na may 15 points; at Calvin Oftana na may 12 points.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble