Notre Dame Dadiangas University, naglabas ng pahayag sa naging estado ng pag-aaral ni Pacquiao

Notre Dame Dadiangas University, naglabas ng pahayag sa naging estado ng pag-aaral ni Pacquiao

UPANG mabigyang- linaw ang mga isyu tungkol sa estado ng pag-aaral ni Senador Manny Pacquiao naglabas ng pahayag ang Notre Dame Dadiangas University (NDDU) at napag-alaman na taong 2017 lamang nag-request ang University of Makati (UMAK) ng transcript ng senador.

Ayon sa pahayag ng paaralan taong 2007 hanggang 2008 nag- enroll ang senador sa ilalim ng  Bachelor of Science and Business Administration Program Major in Marketing Management.

Ayon kay NDDU President Manuel de Leon, nag-enroll at naging estudyante ng paaralan si Pacquaio at dito ito nag- freshmen matapos gumradweyt ng high school sa Alternative Learning System (ALS).

Paglilinaw ng paaralan, first year lamang ito nag-enroll at hindi na muli nag-enroll sa nasabing paaralan.

At dahil naman sa pinapatupad na Commission on Higher Education (CHED) Guidelines at Data Privacy Act ng  2012, mahigpit na sinusunod ng paaralan ang hindi paglabas ng kopya  ng official records o magbigay ng anumang detalye sa records ng senador.

Samantala, kapansin-pansin na base sa inilabas na pahayag, taong 2017 o Abril 27, 2017 lamang humiling ng records ang University of Makati o ang Certificate of Transfer Credential o Honorable Dismissal na naibigay naman ng NDDU noong Setyembre 18, 2019.

Kung susumahin mahigit kumulang 10 taon bago nagpadala ng request ang paaralan at maaaring isipin na sa mga taon matapos itong mag-enroll sa NDDU ay hindi pa ito muling nag-enroll taliwas naman sa sinasabi ng senador na labing isang taon itong nag-aral.

Sa normal na proseso, kinakailangan ang mga ganitong credentials upang makapag-enroll sa isang paaralan ibig sabihin kung 2017 pa lamang nagrekwes ang UMAK ay maaring 2017 pa lamang muling nag-enroll ang senador.

Ang malaking katanungan sa ngayon ay kung saan o nag-enroll nga ba ang senador mula 2009 hanggang 2017 bago mag-rekwes ang University of Makati.

Samantala hangad naman ng paaralan sa pangunguna ni Bro. Manuel de Leon na mabigyang linaw ang naturang isyu aniya mananatili sila sa katotohanan at naninidigan na walang nilabag ang paaralan.

Layon naman ng Sonshine Media Network International (SMNI) na mabigyang linaw ang naturang isyu matapos sa naging pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy na nararapat na mapatunayan ng senador ang mga naging pahayag nito bilang opisyal ng pamahalaan at para na rin sa taong bayan.

BASAHIN: Pagdinig na itinutulak ni Pacquaio sa umano’y korupsiyon, hindi uusad sa Senate Blue Ribbon Committe —Lacson

SMNI NEWS