KINILALA ni tennis legend Novak Djokovic kamakailan ang pagiging tanyag ng basketbolistang si Kobe Bryant.
Kasunod ito ng pagkapanalo niya ng kaniyang ika-24 na Grand Slam title sa US Open laban kay Daniil Medvedev noong Linggo, Setyembre 10, 2023.
Sa nabanggit na US Open, inilabas ni Djokovic ang isang t-shirt na may larawan nilang dalawa ni Bryant.
Paliwanag ni Djokovic, si Kobe ang tumulong sa kaniya upang malagpasan niya ang mga pagsubok sa buhay gaya na lang noong natamo nitong elbow injury noong taong 2017.
Dito na sinabi ni Djokovic na lubos niyang ikinalungkot ang pagpanaw ng basketbolista noong taong 2020.