MALAKI ang pasasalamat ng Serbian tennis player na si Novak Djokovic matapos nakabalik ito sa top world rankings.
Sa kabila aniya ito ng ilang mga Grand Tournament na hindi siya nakasali.
Unang nasungkit muli ni Djokovic ang pagiging No. 1 sa isinagawang 10th Australian Open noong January 29, 2023 at sinundan pa ito sa Dubai Duty Free Tennis Championships nitong February 28.
Ang pagkakapanalo ni Djokovic sa Dubai ay ang kanyang 378th linggo na No. 1 sa Pepperstone ATP Rankings.