Novel coronavirus strain na natatagpuan sa Pilipinas, posibleng mas nakahahawa

Novel coronavirus strain na natatagpuan sa Pilipinas, posibleng mas nakahahawa

INIHAYAG ng Philippine Genome Center  (PGC) na ang strain ng novel coronavirus (SARS-CoV-2) na pinaniniwalaang mas nakahahawa kaysa sa orihinal na bersyon nito ay natagpuan sa Pilipinas.

Ayon sa ulat, na-detect nito ang virus strain na tinawag na D614G mula sa siyam na COVID-19 positive samples na nakolekta sa Quezon City noong buwan ng Hulyo.

“We now report the detection of the D614 variant among nine randomly selected COVID-19 positive samples collected in Quezon City in July. In the month of June, both the D614 as well as the G614 have been detected in a small sample of positive cases.” —PGC

 

Ang D614 genotype ang isang “wild type” o ang original strain habang ang D614G ay ang mutation nito.

Gayunpaman, nilinaw ng PGC na ang lahat ng samples na nasuri ay mula lamang sa Quezon City at hindi ito sa buong bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.