Novino at Napoles, pinangunahan ang Judo events sa Women’s Martial Arts Fest

Novino at Napoles, pinangunahan ang Judo events sa Women’s Martial Arts Fest

PINANGUNAHAN nila Sophia Nicole Novino at Rhian Napoles ang mga sarili nitong weight categories sa Judo sa 8th Philippine Sports Commission Women’s Martial Arts Festival na idinaos sa Philippine Judo Federation Training Gym sa Rizal Memorial Sports Complex.

Si Novino na isang sophomore mula sa National Academy of Sports ang nanguna sa Women’s 44kg Division matapos na umiskor ng 1-0 laban kay Mikeighla Louise de Vera ng Baguio Judo Club habang nagtapos naman sa silver at bronze medals sila Gabrielle Lorine Dizon at Princezz Villafranca.

Pinangunahan naman ni Napoles ang 48kg title matapos nitong talunin sila Mariana Alicia Roces at Jamila Abandor sa semifinals.

Ang nasabing event ay parte ng paghahanda ng bansa para sa ika-anim na Asian Indoor Martial Arts Games sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter