NPA, nilabag ang 111 International Humanitarian Laws sa 1st half ng taong 2021—AFP

NPA, nilabag ang 111 International Humanitarian Laws sa 1st half ng taong 2021—AFP

UMABOT na sa isangdaan at labing isa ang International Humanitarian Laws (IHL) ang nilabag ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dagdag pa ng AFP, kabilang sa mga paglabag ng NPA ay ang paggmit ng mga child warrior, pagsira sa mga ari-arian ng mga sibilyan, patuloy na paggamit ng landmines at pagpatay, maliban pa rito ang 1,506 na paglabag simula taong 2010.

Inihayag rin ni Brig. Gen. Joel Alejandro Nacnac, Director ng AFP Center for Law of Armed Conflict, umabot na rin 1, 617 ang heinous crimes na nagawa ang NPA laban sa mga Pilipino.

Dagdag pa ni Gen. Nacnac, kasalukuyang iniimbestigahan ng Commission on Human Rights ang 1,506 na IHL violations ng NPA mula 2010 hanggang 2020.

Isinumite na rin ang mga kasong ito sa Department of Justice na ipapasa sa mga lokal na korte na may jurisdiction sa kanila kung saan kinasuhan sila ng  paglabag sa mga localized Human Rights Laws kabilang na ang Republic Act o RA 9851.

 

SMNI NEWS