ISINUSULONG ng administrasyong Duterte ang press freedom subalit mayroon palang taga-censor sa social media partikular na sa Facebook.
Dahil dito ayon kay Paul Gutierrez, president ng National Press Club of the Philippines (NPC) sa panayam ng SMNI News, hindi sila titigil sa kanilang apela sa Facebook na tanggalin na ang Rappler at Vera files bilang fact-checkers.
Ipinanawagan din ng NPC sa pamahalaan na aksyunan ang isyu ng fact-checking sa bansa.
Aniya, ang mga fact checkers na ito ay sila lang din naman ang gumagawa ng sarili nilang community standards at sila-sila lang din ang nakakaalam kung nalabag na ito.
Kasunod ang komento na ito ng NPC matapos i-fact check ang Facebook nina DILG Usec. Jonathan Malaya at National Security Adviser Hermogenes Esperon hinggil sa insurhensya sa bansa.
Binigyang-diin rin ni Gutierrez na least trusted media ang Rappler, bagay na hindi nararapat bigyan ng pagtitiwala gaya na lang din ng naganap na MOA signing sa pagitan ng COMELEC.
Kung matatandaan, batay sa naturang MOA signing, magsisilbing fact checker ang Rappler ngayong halalan.
Ang Rappler lang din aniya ang media entity na walang ginawa kundi maglabas ng statement na laban sa administrasyon at lantarang sumusuporta sa oposisyon.