NPC, sinimulan na ang sariling imbestigasyon ukol sa ulat na na-hack ang server ng Comelec

NPC, sinimulan na ang sariling imbestigasyon ukol sa ulat na na-hack ang server ng Comelec

SINIMULAN na ng National Privacy Commission (NPC) ang kanilang sariling imbestigasyon sa report na data breach at na-hack ang server ng Commission on Elections (Comelec).

Sa isang pahayag, sinabi ng NPC na pinatawag nila ang Comelec, si Manila Bulletin technology editor at it head Art Samaniego Jr., at ang Manila Bulletin para sa clarificatory meeting via teleconference sa Enero 25, 2022 ukol sa ulat.

Ayon sa NPC, enero 8, 2022 ng makatanggap sila ng impormasyon mula kay Samaniego sa umano’y data breach kung saan tinatayang 60 gigabytes ng data na naglalaman ng mga personal na impormasyon at sensitibong personal na impormasyon ang nakuha ng grupo ng mga hacker.

Binigyan naman ng NPC ang Comelec ng hanggang Enero 21 para isumite ang resulta ng kanilang comprehensive investigation sa insidente.

Iginiit ng NPC na dapat tugunan ng Comelec ang alegasyon na na-hack ang server at alamin kung mayroong mga datos na nakompromiso na maaring makaapekto sa nalalapit na 2022 National and local election.

SMNI NEWS