LIMANG araw na mandatory drug testing ang isinagawa sa Davao City sa pangunguna ng National Public Transport Coalition (NPTC)—van rental group bilang pagsuporta sa ‘STOP ROAD CRASH’ ng Department of Transportation (DOTr) sa pakikipag tulungan ng PDEA, LTFRB, at LTO.
Layunin ng aktibidad na matiyak ang kaligtasan o seguridad ‘di lamang ng mga driver sa pagganap sa kanilang mga tungkulin na maproteksiyunan ang kanilang mga pasahero at maiwasan ang anumang sakuna.
Inihayag din ng kinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang mga plano.
Inihayag naman ng mga driver na sumailalim sa mandatory drug test ang kahalagahan nito kasabay ng paghikayat sa kanilang mga kasamahan na suportahan ang mandatory drug testing.
Ang mandatory drug testing ay inaasahang makapagpapababa ng bilang ng mga aksidente sa kalsada at magpapataas ng tiwala ng publiko sa sektor ng pampublikong transportasyon.