NSA Hermogenes Esperon at Dr. Clarita Carlos, nagkaroon ng transition meeting

NSA Hermogenes Esperon at Dr. Clarita Carlos, nagkaroon ng transition meeting

NAGSAGAWA ng transition meeting si outgoing National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon kasama ang kanyang kahalili na si Dr. Clarita Carlos.

Ilang araw ay pormal nang uupo si Dr. Clarita Carlos sa isa sa pinakamahalagang posisyon ng security cluster ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Esperon, nagkaroon sila ni Carlos ng “general agreement” para sa priority projects ng tanggapan.

Tiniyak naman ni Carlos ang kanyang mga pagsisikap na gagawin para sa “national security” at “nation building.”

Una nang hindi sinang-ayunan ni Carlos ang pag-red tag sa mga hinihinalang tagasuporta ng komunistang grupo, kung saan tinawag niyang “unproductive” ang nasabing hakbang.

Bago maitalaga sa pwesto, si Carlos ay dating political science professor sa University of the Philippines, at unang babaeng pangulo ng National Defense College of the Philippines.

Follow SMNI NEWS in Twitter