NSA nanawagan ng aksiyon para sa mangingisda at kalikasan

NSA nanawagan ng aksiyon para sa mangingisda at kalikasan

KAILANGANG magsagawa ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mga hakbang upang maprotektahan ang karapatan ng mga mangingisda sa rehiyon at ang kapaligirang pandagat.

Sinabi ito ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año sa ginanap na three-day 2025 Dialogue on ASEAN Maritime Security sa Pasay City nitong Miyerkules, Mayo 21, 2025.

Ipinahayag ni Año ang panawagan matapos niyang banggitin na bumaba nang hanggang 90% ang dami ng isda sa mga katubigan ng Timog-Silangang Asya mula pa noong dekada 1950.

Bumaba rin umano ang catch rates o dami ng huling isda nang 66–75% sa nakalipas na dalawang dekada.

Kailangan umanong agarang kumilos dahil nakataya ang seguridad sa pagkain ng rehiyon at ang kabuhayan ng milyun-milyong mamamayan sa ASEAN na umaasa sa pangingisda.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble