MARIING hinarang ng National Telecommunications Commission( NTC) at Office of the Solicitor General (OSG) ang pag-usad ng panukalang batas sa Senado at Kamara na layong bigyan ng hold-over franchise ang ABS-CBN.
Sinita ng National Telecommunications Commission (NTC) at ng Office of the Solicitor General (OSG) ang isang panukalang batas ngayon sa Senado at Kamara.
Nasilip kasi ng NTC at OSG na layon ng panukalang batas na bigyan ng hold-over franchise ang ABS-CBN gamit ang AMCARA Broadcasting Corp.
Ito ay sa ilalim ng Senate Bill No. 1530 ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na layong tanggalin ang expiration ng prangkisa o lisensyang ipinagkaloob ng pamahalaan.
Kaparehas na panukala naman sa ilalim House Bill No. 7923 ang inihain ni Paranaque Rep. Joy Tambunting.
Kung may hold-over franchise, makakapag-operate ang isang entity habang pending ang franchise application nito.
Pero ayon sa OSG, ‘vague’ at ‘void’ ang hakbang dahil wala sa batas ang hold-over franchise.
Sinita rin ng OSG ang pagkakaroon agad ng senate version ng panukala dahil batay sa batas, sa Kamara dapat magmula ang lahat franchise bills.
Diin ng abogado ng pamahalaan, parehong unconstitutional ang panukala.
Ayon naman sa NTC, walang rason para dinggin ang mga panukalang batas sa Kongreso para sa franchise renewal.
“Alam niyo po since 1991 ay nagpa-practice na ako ng franchise law, ngayon ko lang narinig yung hold-over franchise. Let me say, there is no such thing as hold-over franchise,” ang komento ng isang franchise expert sa isyu.