NTF-ELCAC Confidential at Intelligence Funds, susi para mapanatili ang peace and order sa bansa –OP

NTF-ELCAC Confidential at Intelligence Funds, susi para mapanatili ang peace and order sa bansa –OP

IDINEPENSA ng Office of the President (OP) ang mataas na pondo nila para sa Confidential and Intelligence Funds sa 2023.

Kabilang na dito ang kagandahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagpapanatili ng peace and order ng bansa.

Sa plenary deliberations para sa 2023 proposed budget ng OP, makailang beses na inusisa ng mga makakaliwang kongresista ang pondo para sa Confidential at Intelligence Funds.

Para sa mga makakaliwa, kailangang malaman ng taumbayan kung ano ang paggagamitan dito.

Sa susunod na taon, may tig-P2.5 Billion na budget para sa Confidential at Intelligence Funds.

“Mr. Speaker kahit sa item ng rental sa maintenance ng safehouses, mga baril o armas na binili, magkano reward na binayad sa informers noong 2021, ano po ang sa pag-prevent ng illegal activities that post a clear and present danger Mr. Speaker?,” kuwestyon ni Rep. Arlene Brosas ng Gabriela Partylist.

“Mr. Speaker my dear colleague pasensya na po. Again by the very nature of the funds even if it has been spent already the nature of the fund does not change no? So kaya nga hindi natin madi-disclose ang kahit anong halaga na nagastos para kahit anong item sa ilalim ng Confidential at Intelligence Fund,” ang tugon ni Rep. Toby Tiangco, Sponsor ng Office of the President sa plenary.

Karaniwang ginagamit ang Confidential and Intelligence Funds para sa pangangalap ng impormasyon ng uniformed personnel bilang bahagi ng kanilang mandato para sa national security.

At para sa OP, mahalaga na may sapat silang pondo para dito upang mapanatili ang peace and order.

“As head of state and government, the President of the Republic of the Philippines plays a central role in national security management and decision making primarily in giving broad guidance and impetuous to the formulation and implementation of national security policies,” ani Tiangco.

Bukod sa mga nabanggit na pondo, binigyang-diin ni Tiangco na kinikilala ng Office of the President ang ambag ng NTF-ELCAC.

Dahil ang OP ang national secretariat ng task force, naglalaan dito ang tanggapan ng Pangulo ng P100 million na budget sa susunod na taon.

Ngunit ang mga makakaliwa sa Kamara, nais tanggalan ng pondo ang task force.

Subalit nanindigan ang OP sa kagandahang dulot ng NTF-ELCAC para sa national security.

“This representation calls for the realignment of confidential and intelligence funds to much-needed social services,” ayon kay Rep. Raoul Manuel ng Kabataan Party-list.

“Maganda naman po ang layunin ng NTF-ELCAC no. It is to end armed conflict no. So ang delivery po nito ay the same social service, similar social services to the ones being mentioned by our dear colleague,” ayon pa ni Tiangco.

Sa kabuuan ng plenary hearing ngayong araw, laging iniugnay ng mga progresibong mambabatas ang NTF-ELCAC sa lahat ng ahensyang pinagdebatehan.

 

Follow SMNI News on Twitter