SAKALING manalo sa eleksyon, inihayag ni Partido Reporma standard-bearer Senator Ping Lacson na ipagpapatuloy nito sa kaniyang administrasyon ang mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
“Definitely, kung ako ang uupo itutuloy ko ang NTF-ELCAC. I will be very consistent on this regard. NTF ELCAC is a very good program. Wag lang haluan ng pulitika sa distribution,” pahayag ni Lacson.
Bahagi ng programa ng NTF-ELCAC ay ang pagbibigay ng farm to market road na mga programa sa ilalim ng Barangay Development Project, bagay na ayon kay Lacson ay epektibo para malabanan ang insurhensya.
“Ang experience ko sa military, kailangan sundan talaga ng development once na-clear ng security forces ang barangay. Kasi kung walang development na kasunod, babalik lang ang NPA. I-haharass pa ang mga residente maging yong mga informants, papatayin pa. Whereas, we will be successful because once pumasok yong development after the military has cleared ‘yong side ng barangay, yong NPA, tendency is to surrender and be part of the mainstream of society. So very effective talaga yong NTF-ELCAC,” ayon pa kay Lacson.
Maliban pa dito, ayon sa Lacson-Sotto tandem, ang pagkakaroon ng localized peace talk ang magiging direksyon ng kanilang programa.
Mas epektibo raw ito kesa ang pakikipag-usap kay Joma Sison, founder ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
“Ang direksyon namin sa peace talks should be localized kasi di naman lahat ng probinsya may problema sa insurgency. And Joma somehow wala namang control. Minsan nagde-declare sya ng ceasefire and yet nag-ooperate ang guerilla units nila sa ground. So, what is the use?” ayon kay Lacson.
“Of course the localized peace talks is always more effective than the old style of peace talks. NTF ELCAC, correct – effective,” ayon naman kay Sotto.
Samantala, maliban kay Lacson-Sotto ay pabor din si presidential candidate Bong Bong Marcos na ipagpatuloy ang NTF-ELCAC.
Habang si VP Leni Robredo ay gusto namang ma-abolish ang task force kung ito ang maupo sa pwesto pagkatapos ng 2022 elections.
Kamakailan ay lumabas ang mga ulat mula sa mga dating rebelde na nakikipag
koalisyon ngayon ang mga NPA members kay Robredo.
Ayon kay Ka Eric, dating Cadre, si Robredo ang manok ng CPP-NPA-NDF para sa 2022 elections.