NTF-ELCAC, para sa biktima ng CTGs –Rep. Flores

NTF-ELCAC, para sa biktima ng CTGs –Rep. Flores

IKINUWENTO ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores, chairman ng House Committee on Government Reorganization ang magandang dulot ng NTF-ELCAC sa kaniyang distrito.

Ani Flores, para sa kanilang komunidad na malalayo sa siyudad, agarang epekto ng Barangay Development Program (BDP) ng NTF-ELCAC ang kanilang naramdaman.

Lalo na’t hindi na dumadaan sa DPWH at sa national agencies ang pondo ng BDP kaya mabilis ang implementasyon ng water and electrification projects, pati na ang pagtatayo ng mga eskwelahan, tulay at livelihood projects sa dating CTG infected areas.

‘’Some may not appreciate it, hindi nila ma-appreciate na anong impact niyan because maybe ang mga barangay nila ay well off ano? But if you go to the countryside, lalo na yung mga lugar na affected ng insurgency, they need the support of government,’’ ani Flores.

Umaasa naman ito na madaragdagan ang pondo ng task force sa 2023.

Naunang sinabi ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na binawasan ng Kamara ng P5-billion ang NTF-ELCAC budget sa susunod na taon mula sa P10-billion na naunang proposal ng Department of Budget and Management.

Follow SMNI NEWS in Twitter