NTF-ELCAC, ramdam naming nakatira sa mga liblib na lugar –Rep. Flores

NTF-ELCAC, ramdam naming nakatira sa mga liblib na lugar –Rep. Flores

PERSONAL na ikinuwento ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores, chairman ng House Committee on Government Reorganization ang magandang dulot ng NTF-ELCAC sa kaniyang distrito.

Umaasa naman ito na madaragdagan ang pondo ng task force sa 2023.

‘’Ang laki ng tulong niya sa communities namin lalo na sa probinsya ng Bukidnon in the 2nd district. Nakita ko iyong projects na up to the barangay talaga under normal budgeting processes, hindi nila makukuha iyong budget na iyon. And the impact is immediate kasi sila mismo ang naka identify kung ano ang pinakakailangan ng community or barangay nila,’’ saad ni Rep. Flores.

Naunang sinabi ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na binawasan ng Kamara ng P5-billion ang NTF-ELCAC budget sa susunod na taon mula sa P10-billion na naunang proposal ng Department of Budget and Management.

Follow SMNI NEWS in Twitter