NTF on COVID-19, tinututukan ang vaccination rate ng Visayas, Mindanao ngayong halalan

NTF on COVID-19, tinututukan ang vaccination rate ng Visayas, Mindanao ngayong halalan

KASALUKUYANG minomonitor ng National Task Force (NTF) against COVID-19 ang Visayas at Mindanao ngayong papalapit na ang halalan.

Ayon kay NTF on COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa, ito’y dahil sa mababa pa rin ang vaccination rate dito.

Maaaring maka-trigger aniya ang mababang vaccination rate sa panibagong COVID surge.

Posibleng dahil din dito, tataas ang alert level status ng isang lugar na magiging dahilan para ibagbawal muli ang mass gathering at pagpunta sa mga presinto para bumoto.

Nauna nang sinabi ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na posibleng isuspinde na muna ang eleksyon sa mga lugar na may mataas na kaso ng virus.

Follow SMNI NEWS in Twitter