NAIUWI na ng National University Lady Bulldogs ang korona sa Season 84 ng women’s volleyball matapos ang 65 na taon.
Dahil sa lineup ng Lady Bulldogs mula sa high school program nito, nagawang ilampaso ng NU ang La Salle Lady Spikers sa Finals ng women’s volleyball na nagtapos lamang sa tatlong set- 25-15, 25-15, at 25-22.
Ayon kay Ces Robles na siya ring itinanghal na Finals MVP, sobrang saya ng kanilang buong team at nawala ang lahat ng kanilang pagod mula sa training.
Ngayong season ay wala ni isang naging talo ang NU Lady Bulldogs na may 16-0 na record na naunang manalo ng korona noong Season 19 ng taong 1956-1957.
Pinangunahan ni Alyssa Solomon ang pagkapanalo ng NU sa Finals na nakapagtala ng 18 points at sinundan ni Michaela Belen na itinanghal na MVP ng liga at Rookie of the Year ng 16 points.