NU Lady Bulldogs, nananatiling perpekto sa UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament

NU Lady Bulldogs, nananatiling perpekto sa UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament

NAKUMPLETO ng National University (NU) ang 7-0 sweep sa unang round ng UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament habang pinahaba rin ang kanilang record winning streak sa 103 sunod na laro.

Tinalo ng NU Lady Bulldogs ang FEU Lady Tamaraws, 67-44, noong Linggo, Oktubre 23 sa Ynares Sports Center.

Sa pangunguna ni Tin Cayabyab ang defending champion na may 23 puntos at 10 rebound, habang nagdagdag si Mikka Cacho ng 12 puntos.

Sa kabila ng kanilang perpektong pagtakbo, sinabi ni NU Coach Aris Dimaunahan na marami pang dapat gawin ang team.

Nanguna si Princess Jumuad sa Lady Tamaraws na may 14 puntos habang nag-ambag si Danica Pacia ng 13 rebounds.

Tinapos ng FEU ang first-round campaign nito na may 2-5 record.

Follow SMNI NEWS in Twitter