Nuclear power plant sa Ukraine, pinasabugan ng Russia

Nuclear power plant sa Ukraine, pinasabugan ng Russia

INAKUSAHAN ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na ginagamit bilang panakot sa kanila ng Russia ang ginawa nitong military strike sa Zaporhizhzhia Nuclear Power Plant.

Itoy matapos nagkaroon ng malubhang pinsala ang pasilidad kasunod ang military strike noong Sabado na siyang dahilan para mag-shut down ang isang reactor.

Sa panig naman ng UN nuclear watchdog, posibleng magiging dahilan ito ng sakuna lalo pa’t isang paglabag ng Nuclear Safety Rules ang ginawa ng Russia.

Ang naturang power plant ang itinuturing na pinakamalaking atomic power complex sa buong Europa.

Follow SMNI News on Twitter